Wednesday, January 28, 2015

alam mo yung feeling na, super lapit na ng panalo, eh biglang nawala pa. Yung feeling na ilang sugundo nlng panalo pa kayo, sa huling sampung segundo nawala pa ang lahat.

Epic talaga ng feeling kung ikaw yung na sa posisyon ko. Di ko malaman kung kailangan ko bang ganahan, manghinayang, magalit, o ano. Basta, di ko alam. Ang alam ko lng, ang bagal ng oras, ang bilis ng tibok ng puso ko. At kahit yung mumunting pagbabago sa kapaligiran, aba'y napapansin ko.


Yun nga lang, iba nangyari kanina. Nung natamaan ako ni Alvin, wala okay lang saakin. Pero nung nahiga na ako, I started tearing apart already. Wala nmn akong sinisisi na kahit sino. Di ko rin sinisisi ang rules. Basta, eto basahin mo:

Kung ako lang yung naapektuhan, tingin ko nmn kayang suportahan ng beliefs, logic, at principles ko yung pagkatalo na iyon. Laro lang nmn yun eh. May natatalo, may nananalo. KASO HINDI eh. Yung pagkatalo na yun, feeling ko nasayang ko yung efforts ng team mates ko at yung syempre, yung expectation nya at enthusiam sa sportsfest. Feeling ko kasi nagdala ako ng maraming tao sa pagkatalo na yun eh. So for me, parang di lang sya laro or whatever. Ang sinasabi ko lng, okay lang nmn kung ako lang yung natalo eh, kaso hindi talaga. Marami na akong nadisappoint, hindi ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap sa inyo, at sa iyo. I'm sorry. I disappointed you once, twice, and now thrice. Nakakahiya, hindi ako katanggaptanggap.
Ayan nanaman ako sa letseng sorry ko. Wala na talaga akong ginawang tama.

Pero ewan eh. Parang yun lang ang kaya kong sabihin.






No comments:

Post a Comment