Thursday, December 31, 2015

O Ilaw

Hi. Here is my interpretation of a Filipino serenade song, "O Ilaw". Listen to the song first ;) . 



"O, ilaw, sa gabing malamig" 

At nagsimulang punuin ng binatang si Ricky ng kanyang magandang tinig at marahan na gitara ang buong eskinita ng phase 6. Mapusok si Ricky at mataas ang reputasyon sa phase 6. Sakbit niya ang lumang gitara, sinamahan pa ng rosas na namumula sa tingkad.  Lahat ay nakikinig sa kanyang saliw na kaniyang inialay kay Lela. 

"Wangis mo'y bituin sa langit."

Nakalipas na ang pasko pero nakasabit pa rin ang mga nagniningning na parol sa mga bintana. Hanay-hanay ang mga kumukutitap na parol at krismas dekor sa buong phase 6.  Lubos na maantig ang puso ng sinumang mapadaan sa phase 6 dahil sa saliw at liwanag na dumadaloy sa paligid nito. 

"O, tanglaw, sa gabing tahimik"
   
Ngunit, natatangi ang bahay ni Lela sapagkat sarado pa ang mga krismas layts nito. Sarado ang mga bintana, nakasarado pati ang gate. Tila natutulog pa ang buong bahay at tanging tunog lamang sa TV ang maririnig mula sa labas. 

 "Larawan mo, Lela"

At mas lalong sumidhi ang boses ni Ricky. Kanyang naalala ang dampi ng mga buhok ni Lela sa paghawi niya sa mga ito. Sa kaniyang isip ay naririnig niya ang boses nito na sadyang walang katulad. Ito'y tinig na hindi-hinding makakalimutan na sumasama pa sa isipan kahit sa pagtulog. 

"nagbigay pasakit. Ay!"

Hindi pa rin nagpaparamdam ang dalaga sa binatang umaawit ng kaniyang pagibig. Tila natutulog ang buong bahay sa gitna ng buhay na buhay na eskinita ng phase 6. Si Osang, ang kapatid na kasakasama ni Lela sa bahay, ay umuwi na mula sa pamimili ng grocery para pang media noche kinabukasan. Napansin niya ang binatang laging bumibisita sa bahay, ngunit mas nakapukaw pansin sa kanya ang hindi pagkibo ni Lela sa mga saliw ni Ricky. 

"Gising at magbangon"

Sinusian na ni Osang ang gate at siya'y pumasok. Nagtataka siya kung bakit hindi pa rin binubuksan ni Lela ang mga krismas layts. Sigurado si Osang na hindi tinatakasan ni Lela si Ricky dahil kung siguradong narinig niya ang mga kalabit ni Ricky sa gitara, siguradong mapapasayaw na ang puso nito. Inakyat ni Osang ang kwarto ni Lela at ito'y kaniyang kinatok. 

"sa pagkagupiling" 

Rinig na rinig ni Osang ang mapusok na awitin ng binata mula sa loob ng bahay. Patay ang ilaw ngunit naiwang bukas ang TV. 

"Sa pagkakatulog"

Sinubukang akyatin ni Osang si Lela dahil baka sa may problema ito. Kumatok siya ng maraming beses ngunit walang sumasagot mula sa loob. 
Mas pinaigting pa ni Ricky ang kaniyang pag-gigitara. Lumakas ang kaniyang boses sa pagdama niya sa kanta. Narinig ng buong kapitbahay ang nakakaaliw na saliw ni Ricky para sa dalaga. Maraming nanunood at nagsisipalakpakan. 

"na lubhang mahimbing."

Hindi pa rin nagbubukas ng pinto si Lela. "Lela! Si Osang ito! May problema ba? Pagbuksan mo na ako, nag-away ba kayo ni Ricky?", palambing na sinabi ni Osang kay Lela sa tapat ng silid nito. "Lela makikinig ako." 

"Buksan ang bintana, at ako'y dungawin 

Hindi matinag ang titig ni Ricky sa bintana ng kwarto ni Lela. Nais niyang masilayan ang kagandahan ni Lela sa gabing iyon. 

Nang mapagtanto mo a"

Mas lalong lumakas ang katok ni Osang. Natataranta siya. "Lela! Lela! Si Osang ito!", ngunit wala pa ring kibo si Lela. Naalala ni Osang na may duplicate pala siya ng susi ng kwarto ni Lela. Binuksan niya ito. 

"ng tunay kong pagdaing."

Kinahinaan ng loob si Ricky. Tila ay ayaw pansinin ni Lela ang kaniyang awitin. Inulit muli ng binata ang kaniyang awitin.

"Gising at magbangon 
sa pagkagupiling "

At may namataang anino sa mga bintana ni Lela. Lumakas ulit ang loob ng binata. Lumakas ang palakpakan at hiyawang ng mga kapitbahay. 

"Sa pagkakatulog"

Binuksan ni Osang ang bintana ng kwarto. "Tulong! Tumawag kayong ambulansya!" 


"na lubhang mahimbing." 

Mula sa labas ay dumungaw ang katawan ni Lela na nakasabit sa lubid sa leeg. Napatigil ang palakpakan at hiyawan ng tao. Napatigil ang pag-awit ni Ricky. Biglang nawala ang liwanag at saliw na dumaloy sa phase 6.
Dinala si Lela sa ospital ngunit bago pa man siya matagpuan ay hindi na ito humihinga. Huli na ang lahat. Gumuho ang mundo ni Ricky. 
Makailang linggo pagkatapos ng kaniyang pagkamatay ay natagpuan ni Osang ang isang liham ni Lela pa kay Ricky. Iniabot ito ni Osang kay Ricky. Binasa ni Ricky ang liham. 


"Buksan ang bintana
at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo 
ang tunay kong pagdaing."

    
 wakas

   

Monday, December 28, 2015

The Light Man

The darkening dusk of the sky
Fell upon the wide black desert
Minutes;seconds starts to go by
And the day and night shall divert.

Hither the light in the dark shone
Under the pale grey and calm moon
Lit by star lights was the hotel
Inside, a light man hither dwell.

His duty was to light the lamps
As soon as the darkness embraced
He knocks at every door room camps
For the candle fire shall be placed

"Knock, Knock, Knock, this is the light man
I'll provide thee light ere darkness
Open the door to my demand
For my torch will cast the brightness"

Ravine is the hallway's far length
There he stands waiting for response,
"Knock, Knock, Knock, this is the light man
I'll provide thee light ere darkness"

At length, the tall door was ajar
Pure blackness engulf the figure
And so it spoke for it to par
"No need, hence leave me in closure"

"But mister, you need light to see
Whereas in darkness you are blind
Please let me provide you with this
If you refuse, I wouldn't mind"

But the figure spoke,"Thanks, I'm good
But I rather choose not to have the sight
For I tremble when I see new
In light there's truth, in truth there's fright."

The tall brown door was shut in haste
And so the light man took his leave
He then walked yonder other place
Under the skies of the night's eve

"Knock, Knock, Knock, this is the light man
I'll provide thee light ere darkness
Open the door to my demand
For my torch will cast the brightness"

At length, the tall door was ajar
Pure blackness engulf the figure
And so it spoke for it to par
"No need, hence leave me in closure"

"But sire, in light there's clarity
Where you can find thy happiness
Thus you can find prosperity
Only in light, not in darkness."

"What a silly old man you are
I find your propositions wrong
For in darkness, there is pleasure
If you desire it, come along"

So the old stood as cold as stone
Never did he desire pleasures
Inside the room there came loud moans
He then took his own departure.

Alas, the night was deepening
And no one seeks the light of him
His torch fails and was weakening
While his face was weary and grim

At last he came upon a door
Taller and better than before
His hopes are high a smile he wore
"Someone who won't ignore!"

"Knock, Knock, Knock, this is the light man
I'll provide thee light ere darkness
Open the door to my demand
For my torch will cast the brightness"

At length, the tall door was ajar
Pure blackness engulf the sooth
And so it spoke for it to par
"Come, light the lamp and know the truth"

At last, the light man lit a fire
And thus the somber has begone
"Oh! What a beauty to admire!
It has been long since it was dawn!
















Sunday, December 20, 2015

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit pasko'y umuulan
at kahit pebrero'y may umiiyak?

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit ang bundok ay nahahati
at kahit ang mga ilog ay natutuyo?

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit ang araw ay lumulubog
at kahit ang buwan ay nagtatago?

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit ang may mga mata
Ay lagi pa ring nabubulag?

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit na ang mayaman
Ay lagi pa ring nakukulangan ?

Hindi ba't nakapagtataka
Na kahit ang lubos na sugatan
Ay pilit pa ring nagmamahal?

Ngunit hindi ba't mas nakapagtataka
Na kahit gaano mo ako sinaktan
Ay eto pa rin ako, ikaw pa rin ang laman?





Saturday, December 19, 2015

-



Hilt and Hate
A rake and bait 
Is here to taint 
inflict the pain

Break the chains
Of this hellish pain 
Unleash the strain
My wrath will reign

With this I'll break
The taunting snake
With all my ache
For you'll repay

I beset my eyes
;Burning in flames
As it devour your name
with my taunting game

For if this Hilt and Hate
Is to be initiated
Then mind your fate
Cause you'll be devastated.

Let these words forever stay 
Even when I am far away
As it is meant to slay the prey
For this is the curse of my Hilt and Hate. 









Saturday, December 5, 2015

Palapit na Naman ang Pasko


May nabasa lang smwhr.

__________________

Palapit na naman ang pasko
at krismas tri, kanilang tinatayo
Kay laki at kay ganda.
Kay tangkad at kay saya.

Palapit na naman ang pasko
Oras na ng bigayan ng regalo
Na s'yang kinasisiyahan ng mga tao
Na kinagigiliwan ng mga puso.

Palapit na naman ang pasko
Nagkakabit na sila ng mga pako
Na kanilang sasabitan ng mga ilaw
Na magniningning sa panglaw

Palapit na naman ang pasko
ng mga bituin, ang alapaap ay mapupuno
Ang mga lansangan ay magliliwanag
Ang mga tao ay magsasayawan

Palapit na naman ang pasko
Dadalas ang pagisip ko sa'yo
Dahil ang mga anghel ay magkakantahan
Sa iyong angking kagandahan.

Palapit na naman ang pasko
Dadalas ang pagisip ko sa'yo
Dahil magliliwanag ang mga bituin sa langit
Na nagpapaalala sa iyong mga ngiti

Palapit na naman ang pasko
At ang mga tao'y nagawa ng pangako
gaya ng aking binitiwan sa'yo
Noong nakaraang taon

Palapit na naman ang pasko
At sumasaya na ang mga tao
Gaya nalang ng naramdaman ko
Noong nakamit ko ang iyong oo.

Palapit na naman ang pasko
Pinaganda na ang mga regalo
Gaya nalang ng tinuri nating tayo
Maingat nating binubuo

Palapit na naman ang pasko
at aking maaalala ang ating pagtatalo
Na aking sinukuan para sa'yo
Wag ka lang saakin lumayo

Palapit na naman ang pasko
At ang taon ay magbabago
Gaya nalang ng pagtingin mo
Habang ako'y nagsusumamo

Palapit na naman ang pasko
At aalis na ang taon
Gaya nalang ng iyong pagtalikod
Na ngayo'y tayo'y nagkalayo

Palapit na naman ang pasko
At ang mga ilaw ng bituin ay magningning
Na s'ya rin namang mapupundi
Gaya nalang ng tinuri kong atin

Palapit na naman ang pasko
At ang mga balot ng regalo ay pupunitin
Sabay itatapon
Gaya nalang ng tinuri kong tayo

Palapit na naman ang pasko
Magbabasagan na ng alkansya
Gaya nalang ng ating pagsasama
Watak watak at di na maibabalik pa.

Palapit na naman ang pasko
Ang ang hanging amihan ay magpapaulan
gaya nalang ng mga luha
Na tumutulo sa aking mukha

Palapit na naman ang pasko
At kakain sila ng hamonado
Ngunit ako'y wala nang makuha
Dahil ibinigay ko na lahat sa'yo

Palapit na naman ang pasko
at ang gabi ay mas dadalas pa
Gaya nalang nitong kalungkutan
Na saakin ay iyong ipinako

Palapit na naman ang pasko
At ang mga pamilya ay magsasama-sama
Hindi gaya natin
Na nagkalimutan na.

Palapit na naman ang pasko
Kasama ng ating nasirang pangako
Kasabay ng gumuho nating pangarap
Na binuo nating magkasama.

Palapit na naman ang pasko
Palapit na naman....
--
Tama na. Ayoko na.
Tapusin na natin 'to.

    - anonymous


Sunday, November 29, 2015

Practice lang


Ehehehe warning: medyo kadiri s'ya.

Hey. If you read this screenplay, mejo wala kang magegets kung anong purpose. I tried to not say it directly in your faces. Kayo na lang humusga.



Silid Dasalan

Binanlian ng mga liwanag ng araw ang isang kwarto na barong baro. Katamtaman lang ang kalawakan nito. Walang gaanong kagamitan sa loob ng kwarto, tanging kahoy lang na inaanay na sa luma. Sa bawat kanto ay makikita ang mga agiw. Pinepeste ang ito ng ipis, butiki, at mga insektong hindi makilala.

Bigla-biglang may matandang lalaking namamayat at dugyot na dugyot na gumawa ng ingay sa loob ng kwarto.

Lalaki (Nerbyos na Nerbyos)
Panginoon lubos akong nagpapasalamat sa araw na iyong binigay saakin. Sya nawa na mapagsilbihan ko pa kayo. 

Humalik ang matandang lalaki sa isang alikabuking imahe ng buddha. Gawa ang buddha sa kahoy na masusing inukit upang mapakita ang mga detalye. Ang buddha ay nakangiti at gaya ng ibang buddha, ito'y mataba at sagana sa mga kayamanan. Nabudburan din ito ng alikabok na dulot na rin ng madungis na kwarto.  

Tumayo ang lalaki at naginat. Marumihin ang damit nya. Butas butas at tila hindi nalabahan ng isang linggo. Dali-dali syang lumapit sa buddha. Kinuha nya ang kaniyang damit at kinuskos sa buddha. Napakaalikabok ng buddha na nangitim ang damit na kanyang pinangpunas. Nilawayan ng matanda ang kanyang palad upang pakintabin ang malaking tiyan at ang makinis na ulo nito. Kuminis ang buddha ngunit nanglumahid sa dumi ang matanda.    

Lalaki
Para po sainyo. Nawa'y patuloy pa ang grasya sa pagdating. 

  Makikita na nagiisa lang ang lalaki sa kwarto. Tila ba'y wala syang pakialam sa kung anong nangyayari sa labas. Maya-maya, pagkatapos nyang lawayan at linisin ang buddha, nagpagala-gala ito sa apat na sulok ng kwarto. Naupo, gumulong, tumalon talon, habang bumubulong sa sarili nya. 

Lalaki
Panginoon ako po'y nagugutom na. (Kinakausap niya ang imahe ng buddha ngunit hindi ito gumagalaw at tila nanonood lang sa kaniya.) Ako po'y pagbigyan na kayo'y magpaulan ng grasya sa loob ng kwarto na ito. 

 Tumingala ang matanda ngunit walang nangyayari. Nakahawak sya sa tyan at parang namamatay na sa gutom. Maririnig ang mahihinang ungol nya sa tuwing susubukan nyang magsasalita. 

Lalaki
Panginoon! Ako'y patawarin sa aking pagsasala. Ako'y wag hayaang magdusa. Panginoon maghatid ka ng iyong grasya. 
Desperado ang mukha ng lalaki. Nakatingala siya habang sinasabi ang kanyang mga dasalin.

Lalaki
Panginoon!

Ngunit walang nangyari. Humiga ang lalaki at nagpagulong gulong sa sakit ng tyan. Gutom na gutom na ito.

Natahimik ang lalaki sa isang sulok at tila natutulog na. Ngunit bigla itong lumapit sa Buddha habang nagbubulong ng mga dasalin. Desperado pa rin ang mukha nya. Hinawakhawakan, pinakintab, at hinalikan nito ang Budda. Inalayan ng kung ano-ano. Sinayawan habang halos matumbatumba na sa gutom. Natumba ang matandang lalaki.

Lalaki
Panginoon. Ako'y hatiran ng grasya! (nakatingala)

At may pumatak na ipot ng butiki sa mukha n'ya. 

Lalaki
Sa-salamat po mahabaging panginoon!

At tinignan ng mga gutom na mata  ng matanda ang ipot ng butiki sa kaniyang mukha. Dinukot niya ito at tinignan pa ng mas matagal. Kapirangot ito at malagkit. Mas okey na ito kaysa sa wala. Sinubo ng matanda ang ipot ng butiki. Sinipsip-sipsip ang marungis na daliri para maubos lahat ito. 

Kumalam ulit ang tiyan ng matanda. 

Lalaki
Panginoon. Ako po'y humihingi ulit ng grasya ninyo! 

At inulit uli ng matanda ang kanyang mga orasyon at pagsasayaw. Nagpagulong gulong sa sakit ng tiyan, nagpakabaliw. 
May narinig ang lalaki na kaluskos. Napahinto ito. Mapungay ang mga mata nito sa pagpilit na pagrinig sa tunog. Nahalata niya na ito'y isang daga kaya dahan-dahan niya itong hinanap. 
Hinanap ng matanda ang daga sa likod ng mesa ng buddha. Dahan-dahan ito para di magulat ang daga. Gutom na gutom na. At nung nakita nya ito'y agad niya tong dinakma. Nangaway ang daga at umiyak ng malakas. Diniinan pa lalo ng matanda ang kapit sa daga. Pinagsisipa, at pinagbabalibag ito sa sahig hanggang sa malamog na ang laman loob nito. At nang mapansin niyang hindi na gumagalaw ang daga, kinuha nya ito at lumuhod sa harap ng buddha. 

Lalaki
Maraming salamat po. 

 Kinain ng matanda ang daga gamit ang dalawa niyang kamay. Sirit ang dugo at ang berdeng asido nito. Dahan dahan niyang nginuya ang daga sa bibig dahil sa katigasan nito. Rinig na rinig ang pagtunog ng mga buto nito at ang paggalaw ng mga laman sa bibig niya. Natapos kumain ang lalaki. 

Umaga na. Nagutom ulit ang matanda. Gaya ng dati, ginawa niya ang kaniyang mga orasyon. Sumasayaw s'ya. Tumatawa. Humihiyaw ng malakas. Nagpapatalun-talon. Napatigil siya ng may marinig na kabog mula sa labas ng kwarto. Nanigas ang mga katawan niya. Nagpagalaw galaw ang mga mata n'ya. Kabog.Napansin n'ya na galing ito sa labas ng pinto niya. Kabog ulit. Nagulat ang matanda. Mas malakas at malapit ang kabog. Mas natakot ang matanda. 
Alam ng matanda na nasa harap na ito ng pinto. Kitang kita ang mga anino ng mga paa nito sa liwanag na nanggagaling sa labas ng pinto. Dahan-dahan bumukas ang pinto. Unti-unti pumasok ang liwanag sa silid. Unti-unti nasinagan ng liwanag ang mga mukha ng matanda habang ito'y tulala. Mayamaya't may isang hugis ng tao ang makikita. 

Tao
Hoy! Kanina pa kita tinatawag ah. May lakad pa tayo. 

Siya pala ay isang matandang babae na nasa edad 40-50.

Ale
Hala sya't maligo ka na. Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa kwarto. 

At nakatitig pa rin ang lalaki sa babae. Tumayo ito at lumapit sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata. Naglakad palayo sa buddha ang lalaki. Lumapit siya sa babae na siya namang lumakad palabas. Lumabas na rin ang matanda at isinara ang pinto. Tanging ang blankong kwarto at ang buddha lang ang makikita.

   

Sunday, November 8, 2015

Mabilisang kwento.

Sandali ko lang ito naisip.


Late na ako nakauwi ng bahay kasi may school project pa kaming ginawa. Nakakapagod talaga at di pa ako nakakakain. Magagalit kaya si nanay pagdating ko? Si nanay kasi nakakatakot magalit. Di ka nalang iimikan. 

Sarado ang gate. Patay. Siguro tinulugan na ako ni nanay. Buti nalang ay may dala akong susi. Minsan kasi umaalis si nanay sa bahay at ako lang ang magbubukas ng gate namin. 

Pagpasok ko ng gate, napansin kong bukas pa ang ilaw sa kusina. Nakalimutan siguro nyang patayin. 

Pumasok ako, nagbihis at agad agad pumunta sa hapag. "Nasaan kaya si nanay?" Tanong ko sa sarili ko. "Siguro nasa hapag." 

So bumaba ako. Nakita ko sa hapag ang sinigang at kanin sa gitna ng mesa. Nakalagay na rin sa mesa ang pinggan, kutsara, at tinidor na inihanda ni nanay para saakin. Umupo ako agad at naglagay ng sinigang at kanin saaking pinggan. Napansin kong may pagka lamig na ang sinigang na nasa mesa. 
"O nay nariyan po pala kayo. Pasensya na po at nalate ako. Project po kasi" 
 Hindi ako pinansin ni nanay.Galit siguro siya. Blanko ang mukha nya at walang expression.  
Naglakad lamang si nanay ng mabagal paakyat ng bahay. Rinig na rinig ang kalampag ng kanyang paa sa hagdan at sa second floor. Dapat siguro ay hindi na ako magpalate pa. 



Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. May nagtext saakin: 

Inay(09234375324) 

"Huh?" Nagtaka ako. Binasa ko ang message: 

Nak nagiwn ako dian s bhay ng snigang at knin. Pmnta ksi ako dn sa burol ng kptbhay ntin sa funeral. Mymya p blik k. Nakalock pnto ntin. My susi k nmn.

Habang binabasa ko iyon, naririnig ko pa rin ang mga yabog ng paa sa itaas ng bahay namin.   









ps. Kaya mga bata, wag na wag kayong uuwi ng late sa bahay. Baka iba na makasama mo.