Katamad naman kasing magblog eh, kaso walang magawa.
Anyway, balik tayo sa kinukwento ko.
Nagturo si Sir Nap ng lighting noong unang linggo. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong makinig nang husto dahil ito ang pinunta ko sa workshop na ito. (English na nga lang..) The information that I absorbed is totally alien to me. There are terms that I don't really know, but a basic cinematographer should know. He taught about lighting equipment, characteristics of lights, bla bla of lights , rule of this, yada yada..
As he taught us lighting, I thought to myself:
"And how the hell would I do that if the only manageable light source that I have is a freaking small lamp?"
"Woah, that cost 16,000? You gotta be kidding me. "
"Nah nah, I'm out of here."
I realized that I was totally limited. I felt like a monkey standing on a stick(which symbolizes my thin resources) over a pond(the film industry) . I can identify the light source or how a scene is lit, but I can't do my own lighting. Life is totally unfair.
Later on he taught us DIYs. My morale was like: Boiiiinnngggg ^. DIY! Something I can do with my own pocket and resources. He taught us ways to make use of cheap materials as effective tools for cinematography. Which led me to make a shoulder rig last tuesday.
Kung naalala niyo pa, aking nabanggit sa nakarang blog entry ang pangalang Bench. Paguwi ko, nakisabay ako sa kanya... eh niyaya nya ako eh. Sa alabang daw ang uwi niya. Nakasabay rin namin si Joe. Bumaba rin agad si Joe dahil sa malapit lang siya nakatira. Si bench naman ay pumik-up ng girlfriend at mga kaibigan niya. Eh puro sosyal pala ang mga tao doon. Akala mo CR lang sa kanila yung Japan eh. But anyway, bumaba ako sa sucat at sumakay ng jeep. Pahirapan pa nga kasi ang daming sasakyan at may ginagawa pang tulay. Buti nalang ay nakasakay ako at nakauwi ng nakakabit pa ang ulo sa leeg.
Sa pangalawang sabado, ninais ko na mapalapit pa sa mga tao. Kinuha ko ang mga number nila, nakipagkwentuhan ako, nakipagtawanan, etc. Gusto ko kasi ng contacts/ connection kapag sumabak na ako sa industriya. Tingin ko mas mahalaga pa yung number nila kaysa sa autograph ng pinakamagaling na basketbolista sa mundo. At dahil wala akong cellphone, gusto kong magkaroon. Balak kong bumili ng tig-500 sa cp sa metropolis, isang sim card ,at mga cards na pangload.
Sa araw na iyon, nagshoot kami ng aming short film. WALA KAMING KAPLANOPLANO noong simula. Usapan nga namin ay 9 pumunta ngunit dumating na ako ng mga 10 ng umaga. Pagdating ko ay may plano na sila at may isang lalaking bago ang mukha saakin. Di ko alam kung miyembro siya ng workshop o ano. Siya ay matanda na may sira ang kaliwang mata, tato ng kamera sa kaliwang braso, at kamerang parang lumang digicam na nakasukbit sa kanyang leeg(Tawagin nalang muna natin siyang Person A). Sinubukan kong sumunod sa kanilang usapan pero isang oras na ang nakakaraan pero di ko pa rin alam ang istorya namin. Nalaman ko nalang ito habang kami ay nagshoshoot.
Una naming ginawa ay ang pagseset-up ng mga equipment. Mayroon silang dalang 3 camera (5d mark III, ed mark II, at 7d). Mayroon ding manfrotto tripod, manfrotto monopod, at isang glidecam. Iba't ibang lens naman ang mayroon kami. Mayroon kaming telephoto, prime, at syempre wide (O minsan ay tinatawag nilang pancake). Lahat yan ay personal na pagmamayari ng mga kaklase ko. Habang ako naman ay nagdala ng isang bolpen, bag na kasya pa ang isang pakwan, at kwadernong 2 taon ko nang ginagamit (di pa counted dun yun baon kong pagkain).
Pagkatapos namin magset ng equipment, nagusap-usap sila kung saan nila gusto magshoot. Sinuggest ni person A na doon kami magshoot sa maraming puno. Sabi naman nung director namin na si Patrick ay doon sa sidewalk. Bilang siya ang director, siya ang nasunod. Pero bago pa man kami lumakad, pumili na sila ng talent. Napili namin yung maputi na nagngangalang Paolo. Magaling siyang makihalubilo sa tao sa taas ng kaniyang confidence.
Then nagshoot na kami sa labas. Buti ay hindi pa gaanong mainit noon dahil 10 palang iyun ng umaga. Puro lakad ang ginawa ni Paolo. Siguro ay nakasampung beses siyang paulit-ulit sa paglalakad. Sila Glenn at Bong ang nagshoshoot ng camera, si patrick ang nagdidirect, at kami naman ni Aleks ang tagahawak ng mga lens, lens cap, filters, at minsan ay monopod. Ganito ang karaniwang usapan:
Glenn: So ano na direk?
Patrick: Don muna siya lalakad papunta dito.
Glenn: Okay sige sige.... chong (bong) tara!
Bong: Doon ako sa gilid gamiting ko tripod ko.
glenn: Sige sige. Eto mukhang maganda dito oh.
Patrick: Hindi dito ka nalang.
Person A: Tingnan nyo dito. Dito maganda kasi may foreground, background, at bla bla bla.....
Glenn: Ay sige po
Bong: Oy dun na ako.
Joel: umiinit na sa labas. Sana naman matapos agad.
Aleks: Damn ang ganda ng shotss..... hmmmmm yeah.
Joel: *whistles*
Patrick; Action!
Joel: *shut ups*
Then nagshoot na kami ng nagshoot hanggang 5 ng hapon. Siguro ay magaalas tres ng hapon ko lang nalaman ang totoong pangalan ni Person A. Narinig kong naguusap si Karen at si Person A.
Karen: Sir Luis (Ayun luis ang firstname!), dapat gumawa ka pa ng facebook account na "Luis Dilim".
Person A (ay Luis pala): Oo nga eh.
Naisip ko na maaring Luis Liwanag ang kaniyang pangalan. Nakumpirma ko nalang na Luis Liwanag ang kaniyang pangalan noong hiningi ko ang fullname at number nya. Sinearch ko name niya sa Facebook at sa google at doon ko nalang nalaman na kaibigan siya ni Ms. Sky(at isa siyang veteranong photojournalist na may napakalaking reputasyon). Nalaman ko rin na siya ay may glaucoma(which explains why he have those damages in his eye) ngunit patuloy pa rin ang kaniyang pagiging photojournalist.
Natapos rin namin sa wakas. Napasabay ako kay Sir Bong sa Taksi at ako'y kanyang binaba sa Ayala (Makati) dahil sa avida siya nakatira.
Haba di ba? Di mo na dapat binasa.
No comments:
Post a Comment