Saturday, October 31, 2015

Juan: Walang Patutunguhan part 2

Sa ilalim ng araw ng umaga, iyong mamamataan ang anino ni Juan sa kalsada sa kamaynilaan. Sa kaniyang paligid ay mga pinagtagpi-tagping bahay na gawa sa yero na animo'y nakalutang sa estero. Maya-maya, maglalabasan na ang mga batang yagit na hindi pinalad na makapasok sa eskuwelahan.

Hindi tumigil si Juan upang makiisyoso, patuloy pa rin ito sa paglakad, wala kasing pumansin sa kanya. Ngunit, napahinto siya sandali nang siya ay huthutan ng di makilalang bagay. Napatingin si Juan sa kaliwa't kanan sa intensyong makita kung sino ang tumawag sa kanya. Maya-maya ay nagkadikit ang mga kilay ni Juan dahil wala siyang nakitang tao sa paligid. Hinuthutan ulit siya. 

Juan: Sino po iyan? 
Boses: Hey! Lapit tito. 

Matining at maliit ang boses na narinig ni Juan. Sa tingin niya, nanggaling ang boses na ito sa madilim at makitid na pagitna ng dalawang bahay. Dahil doon, hindi nagatubili si Juan na lumapit at silipin kung sino ang may pakana ng pagtawag na ito. 

Boses: Psst. kusto mong makipakpalitan? 

Nakadikit na ang mukha ni Juan sa maliit na pagitna ng bahay ay hindi pa rin niya ito makita. Nagtataka si Juan kung sino ang magkakasya at mamamalagi sa lugar na ito.

Boses: elel ka ba? Pemasok ka sapi.

Pinagpilitan ni Juan ipasok ang kanyang katawan kasama ng kaniyang sako.

Unti unti nagliwanag ang paligid ni Juan. Halos isang dipa lang ang haba ng pagitan at isang katawan naman ang lapad nito. Magulo at mabaho ito at kung sa walang boses na tumatawag sa kanya ay naisipan niya nang tumayo at magpatuloy sa paglalakad. Ngunit hindi nilisan ng boses ang pandinig ni Juan.

Boses: Poy, interesante ako tyan sa pitpit mo. Ano pa yan?

Unti unti nalang na napagtanto ni Juan na hindi galing sa isang tao ang boses na kanyang naririnig. Isa itong Duwende na marahil ay matagal nang naninirahan sa sulok na ito.

Juan: Ay wala po akong nais ipagpalit dito saaking bitbit.
Duwende: Siguro ay, chrr, ehem, interesante ka saakin pinepenta.
Bigla biglang sasagot ang duwende na para bang sanay na sa gantong usapan.

Juan: Hehe wala po.
Duwende: Pata makinik ka mena sa akin. Samu't-sari ang penta ko tito. Ano pa gusto mo? Pampakanta? Pampapayat? Keng ti ka kentento, lapit ka saakin, matetelengen kita. Meron ako lahat nyang mga pampa na yan.

Juan: Pasensya na po pero okey na po ako.

Duwende: Sigero gusto mo ng pampalakas ng lakat no? Meron ako nyan, lakay mo lang sa tenga mo tewing pagkatapos mong kemain, lalakas lakat mo.

Juan: Kaya ko na po.

Duwende: Apay sigero nga ayaw mo ng mga pampa ko, meron tin akong mga serpis na pweteng ipikay. Kailangan me nang sasakyan? Meren ake ditong karpet. Kailengen mo ng pahinga? Meren akeng panik. Kailangan mo nang saya? Meron akong pok pok.

Kahit ane pinepenta ko.

Juan: Puro benta nalang po ba alam ninyo.

Duwende: Apa'y syempre ti lang yan. Pwete ka rin semali samin. Helog ka samin pera pagpalik tople tople na yan. Yayaman ka tito. Pwete helegan mantli. Pwete mo kenin pera mo kahit anong oras. Pasta di ka lang papalya helog.

Likas na makulit nga itong duwende na nakakausap ni Juan. Ito na kasi ang buhay niya. Ang magbenta ng mga bagay at serbisyo.

Juan: Pasensya na po pero di ko po kailangan nyan. Aalis na po ako.

Duwende: Apay juan, wag ka naman kanyan. Pakit ala ka pera no?

Juan: Sadyang di ko lang po ninanais iyang mga bagay na yan.

Duwende: Apay nakaala santo ka na no?

Juan: kahit ang mga santo ay may pansariling hangarin.

Duwende: Keng kanun ay pakit mo ayaw pilhin itong mga pakay na penta ko?

Juan: Hindi ko lang po nakikita ang mga halaga ng mga bagay na iyan at iyang ginagawa ninyo. Hindi ko po maintindihan kung bakit ninyo sinayang ang inyong buhay kakabenta ng mga bagay na wala namang importansya sa buhay ng isang tao.
Hindi naman sa naninisi ako pero, hindi niyo ba naiisip na kayo ang nagiging sanhi kung bakit masyadong pinahahalagahan ng mga tao ang mga materyal na bagay at nakakalimutan na nila ang bagay na mas mahalaga pa.

Duwende: Hinti ko naman kasalanan ang lahat. Piktima lang tin ako ng sistema ng munto. Pakit, ano ba itong sinasapi mong importante sa munto?

Juan: Ang mga mahahalaga? Karunungan, Kagandahan, Kalayaan at pagmamahal.

Pag mamahal. Tumatak ang mga salitang ito sa duwende. Kaakibat kasi ng salitang pagmamahal ang pamilya, na siyang hindi matandaan ng duwende kung kailan niya huling nakasama ang tinuring na pamilya.

Duwende: Juan, wala akong makakawa. Piktima lang tin ako. Tingnan mo, buti ay kahit kaano, napuhay ako. Yumaman ako. Lumi-

Juan: Kahit kailan di ka lumigaya. At kahit kailan wala kang pinaligaya. Nakalimutan na nga ng mga tao ang dapat nilang pahalagahan. Nakakatawang isipin na iisa lang ang takbo ng buhay ng isang tao.
Trabaho, Kita, Gastos, Trabaho, Kita, Gastos.
Paulit-ulit nalang. Ikaw ba, nakita mo na ba ang paglubog ng araw sa baywalk sa roxas boulevard? Nakita mo na ba ang magarang estatwa ni Rizal sa Luneta? Katawa-tawang isipin dahil kahit kailan, di ka umaalis sa makitid na lugar na ito.


Hindi na nakaimik ang duwende

Juan: Kaibigan, hatid ko'y hindi kaguluhan sa isip. Nais ko lang maghatid ng kaliwanagan. Ako'y lilisan na't malayo pa ang aking lalakarin.


At hayun ay naglakad na nga si Juan sa kalye ng maynila.

   








 

Friday, October 23, 2015

Mga Katanungan

Magusapang banal nga tayo. 


Gusto ko ng debate, ngayon din, tungkol sa Iyo,
Dahil kukwestyunin ko, lahat ng nasabi Mo. 
Galit, inggit? wala niyan ako
Masagot mo lang ako, yan ang nais ko. 

Siguro nga ako'y tao lamang 
Mababang uri at isang hunghang
Ngunit bilang tao kailangan ko ng kasagutan
Dahil di ako matatahimik kung walang kaliwanagan.

Wag na nating patagalin pa aking minamahal 
Kailangan ko bang maging kristyano para makapiling ka? 
Kailangan ko bang magramadan para maramdaman ka?
Kailangan ko ba mabinyag para matanggap ka? 

Sa dami nila di ko alam ang aking susundin. 
Si Kristo ba, ay baka naman ang mga santo! 
Nako, mayroon pa 'tong si Alah din
Hindi ko na alam o mahal na Diyos ko. 

At dahil nasabi mo rin
"Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman"
O diyos makapangyarihan, kung di ka kilalanin ay magawa
Ano ang iyong ipapatong na parusa?
Ako ba'y iyong ipapadala sa nagiinit na impyero upang magdusa?

Hindi masama ang aking intensyon
Hindi ko gusto ang manakit ng tao
At kung paniniwala lamang ang basihan,
Ako ba'y nararapat sa impyerno?

Bukod pa doon, nais ko rin itanong
Pagdurusa ng tao, ano ba ang dahilan?
Hindi ba't lahat kami'y iyong mga gawa?
Bakit di mo kami mapaganda?

Ang pintor kapag nagkamali, siya nitong iwawasto
Ang iskulptor pag nagkamali, siya nitong itutuwid
O diyos ko hindi ba't nagkamali ka saamin?
Dahil kami'y makasalanan, mapang-api at ganid.

Bakit kailangang gutumin ang isang sanggol na bata?
Kung pwede mo naman ito bigyan ng isang ina?
Bakit pa kailangang magdusa ang mahirap
Kung pwede mo sila bigyan ng tirahan?
Di kita sinisisi sa aming pagdurusa
Di rin ako bulag na kami rin ang may sala
Pero kung ikaw nga ay makapangyarihan sadya
Bakit di mo nalang kami isalba?
Bakit mo pa kami kailangang subukan?
Kung isang pitik mo lang ay ang bulag ay makakakita
Bakit di ka pumalakpak nang kami'y luminis at lumigaya?
Bakit di mo ulit gawing alak ang aming maruming tubig?
Bakit di mo ulit kami pakainin ng iyong tinapay?
Asan ang iyong pagibig?
Asan ang iyong agapay?
Kung kayang kaya mo itong ibigay,
Bakit may tao parin na nagdudusa;
Bakit may batang nagdurusa kahit walang muwang

Marahil ay sasabihin nila
Nangyayari ang lahat dahil may intensyon ka
Ano nga ba ang iyong intensyon?
Paano ako makakasigurado na kaaya-aya ang iyong gusto?

Diyos ko ako'y litong lito.
Nais ko ang mga kasagutan mo.










Sunday, October 18, 2015

..

Kagabi lang ay nanood ako ng isang pelikula. Love story eh, so inspired to doon. 


Ako'y lumigaya noong ikaw ay nakasama. 
Isang damdaming bato, ang iyong natunaw 
Ako'y sumailalaim sa iyong mahiwagang wika.
Pero bakit dini puso ngayon ay nalulusaw. 

Gagawin ang lahat ng iyong sinabi kahit ako'y mapahamak. 
Kahit katawan ay upos na ako'y maglalakad 
Kahit na puso kong mahina ay masasadlak 
Basta para sa'yo, ako'y magpapakaladkad

Ngunit ako'y isang tao lamang gaya ng iba
Puso ko mang tumitibok minsan tumitigil na
Maski patawad kong totoo ay lumalabo na
Pagod na pagod na ako, pero gustong gusto ko pa.

Sabi ng iba, di marahil ako'y 'sang baliw 
Na kahit ilang beses saktan di nagmamaliw
Siguro nga ako'y isang hunghang na walang pinakatandaan
Nasira na't nasaktan, pilit pang lumalaban.

Kaya't saaking pagtatapos nais kong ipaalam 
Na dalawa lang maaring mangyari sa'ting dalawa 
Maaring ako'y mabuhay kapiling ka't maligaya
O maaring ako'y magdusa sa kulungan ng lumbay.    

 
  

Juan: Walang Patutunguhan part 1

Kwento ito tungkol kay Juan na naglalakad, bumubuhat, gumagapang, at tumatakbo sa kalye ng pilipinas, wari ba'y naghahanap ng patutunguhan. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa, katumbas nito ang walang katapusang pagdurusa sa paghila at pagbuhat ng pasakit ng bayan. Sa bawat kalyeng kaniyang tinutumbas, bagong karanasan ng pagdurusa at lumbay ang kaniyang natututunan. Ito na siguro ang nakatakda kay Juan.

Ala sais ng umaga at iyong mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin sa ilalim ng malamlam na langit. Kakaunti palang ang mga sasakayan sa kalye ng pilipinas at maluwag na maluwag pa ang mga kalsada nito. Maya-maya ay maririnig mo ang mga pagbukas ng gate at ang mga kahig ng mga nanay sa walis ting-ting. Di kalaunan ay lalabas ang mga tricycle sa paradahan at makikinig sa umagang balita sa radyo. Mamataan din si Juan na nagbubuhat ng isang sako.
   
Naglalakad si Juan dala-dala ang kaniyang sako na dugyot na dugyot na; buhat-buhat kada hakbang. Walang nakakaalam o gustong umalam kung ano ang laman nito, maliban nalang kung ikaw ay nanakawan at tanging si Juan lang ang iyong nakita. Itong sako na'to ang buhat-buhat ni Juan saan man siya magpunta.
Sanay na sanay na nga itong si Juan sa pagbuhat ng sako niya. Marahil noong bata pa lamang siya, nakakabit na ang sakong ito sa kanyang likod. Walang nakakaalam kung saan niya nakuha ang sako, o kung bakit niya kailangang buhatin ito.

Ang alam lang ng lahat ay ito'y mabigat, at marahil mas mabigat pa sa patpating katawan ni Juan. Mas mabigat pa nga siguro ito sa pinagsama-samang sako ng bigas sa palengke o sa barbel ni Captain Barbel. Nakamamatay pa ito kaysa sa kanser. Sa lalong pagbuhat nito, unti-unti nitong lalamunin ang lakas at prinsipyo sa buhay ng sinuman na bubuhat nito; sisira ng kaluluwa at susunog ng matataas na pangarap. Iyan ang sumpa ni Juan.

Hindi kagaya ng iba, si Juan ay walang tapat na kailangang walisin o radyo na pakikinggan. Ang tanging pagmamayari lang niya, ay ang sako na kaniyang matagal nang buhat-buhat. Dahil dito, madalas na pagala-gala si Juan sa pasikut-sikot ng kalye ng pilipinas. Kahapon ay nasa Taguig sya, bukas ay nasa Quezon na. Pilit niyang hinahanap ang tuwid na daan, ngunit kahit anong kalye ang kaniyang tumbasin, wala pa ring pinatutunguhan si Juan.      

Saturday, October 17, 2015

.

When air feels thorns while breathing
When mind goes stormed while thinking
When self gets loned while walking
I thought to myself: didn't I deserve some happiness?

This heart in thorns is condemned
O Life, I don't comprehend
With this sorrow you have sent
Why don't I deserve happiness?

In which part of me you don't accept?
And why every part of me you reject?
O tell me! Am I inept?
Or I ain't your dream perfect?

Tell this to your mighty Gods high above
"I don't bow to you, but don't I deserve love?
Isn't the greatest thing you will learn in life,
Is to love, and be loved in return?
O tell me, don't I deserve happiness?
O tell me, am I not your son too?"
But if all it takes is a bow to your king
Then this heart will forever sting
In the prison of loneliness and sorrow
Hoping that sun will shine by tomorrow.