Ngayon at pinili mong basahin ang blog ko, dapat kitang tawaging "Pulpol".
Nasaktan ka ng unti? Dapat lang. Pulpol ka kasi talaga. Pulpol ka sa blog na 'to dahil di mo ako alam, di mo alam itsura ko, o maaring di mo ako talagang kilala. Pulpol ka kasi wala kang alam sa mga iniisip ko, pulpol ka kasi di mo alam ang mga intensyon ko.
Dahil ayaw ko sa mga pulpol kagaya mo, maguupdate ako araw araw. Kukwentuhan kita ng aking buhay at mga karanasan. Pagtatawanan mo ang aking kabaliwan, hahanga ka saaking kagagawaan. Pero kasama na rin doon ay ating pagtatawan ang mga taong mas pulpol pa kaysa sayo.
Pero kung ayaw mo nang sumali, libre kang umalis. Di ako ang mawawalan. Pinili mong maging pulpol.
Kaya ngayon, hanggang di kita nagagawang di-pulpol, pulpol pa rin ang tawag ko sayo.
Mga Kapulpol!
No comments:
Post a Comment