Friday, November 14, 2014

Hello

Siguro nga't ganto talaga ang estidyante
Hindi kami natitigilan ng gagawin
Ako lang ba? O kayo din?
Parang magkaiba kasi.

May gagawin akong isang dula
Ito ay simple at pambata.
Ngunit ito rin ay mahirap
Pagkat kailangan mahuli ang kanilang mga dibdib.

May gagawin din akong brochure
Pasok ba sa oras? Di ko ako sure
Pero tingin ko ito'y masaya.
Kaya ito'y kayang kaya!

Plano kong tapusin ang lahat
Bukas ng sabado, umaga hanggang gabi
Walang laro, o iba pang panggulo
Para matapos ng buo

Dinadapuan na ako ng antok.
Ay nako! Pakisuntok!
Sayang ang oras na aking itutulog!
Napakarami ng aking magagawa

Pero hinihintay ko rin
Na gumawa ako ng isang tula
Para sa filipino, tungkol sa Iphone 5
Siguradong ako'y matutuwa!

Wala akong alam sa Iphone 5
Dahil wala akong hilig dito
Walang saysay ang pagbili nito
Dahil may computer at Ipad na ako.

Ayaw ko rin dahil hindi ito praktikal
Naniniwala ako na ito'y pangporma lang
Mas maraming cp na mas maganda
Mura na, mas maganda pa.

Pero bahala kayo
Iyon lang ang aking punto
Hala paano na ito
May gagawin pa pala ako

I'll post another blog! I'm just waiting for my laptop to finish it's update for windows 8.1.

No comments:

Post a Comment