Saturday, November 8, 2014

Tula

I'm not good in english poetry so lemme try it in filipino.

Anong mayroon sa gabi't; ika'y iniisip
Nais makatulog, aking pinipilit
Bakit kaya ika'y palaging nililirip
Puso ko nga naman, sadyang makulit!

Palagi kong napagtatanto na marami akong nasayang
Na mga sandali, mula sa nakaraan.
Bakit ngayon ko lang nakita
ang tunay mong kahalagahan.

Ano ba ang aking kailangang gawin?
Upang ako'y iyong mapansin
Eto na nga, ako'y ala-makata
Kahit hindi naman ako palatula

Ano itong sinasabi ng aking bibig
Hindi ko makontrol, sa bugso ng pag-ibig.
Di bale na, ayokong itago
Itong tinitibok ng aking puso.

Ako'y umiibig sa isang babae
Di ko kinalilimutan sa araw at gabi.
Nais ko sana sabihin ang ngalan
Ayaw niya, kaya 'wag nalang.

Alam ko ang sakit, na naghihintay sa akin
Pero kahit ano man 'yon ay aking pipilitin
Aking iindahin, ang mga parating
Na mga batikos mo at nila saakin.

Ako'y inis na inis na
Ayoko maging sobrang tapang.
Pag umiibig ka nama'y walang kinakatakutan,
Pinipilit magbulagbulagan.

Hindi ko alam kung hanggang salita lang
Itong aking pagmamatapang.
Sigurado, pag ako'y mahina,
Ay agad-agad babagsak

Kailan ititigil itong kabaliwan?
Malay ko, walang pakialam.
Basta ang alam ko ay ako'y may sinisinta
Gagawin ang lahat para sa kanya.

Marahil ako'y OA na
Patawad po, pasensya
Akoy walang magawa
Kaya eto, nagdadrama

At ngayon ito'y aking wawakasan
Pagkat ako'y magaaral na
Hayaan ninyo't may susunod pa
Paalam na.

Sandali lang mga mambabasa
Marahil ay iniisip ninyo kung sino siya.
Wala akong tinutukoy na sinuman
Isip ko'y aking pinalalaruan lamang

Aking sinusubok ang aking kakayahan
Sa pagtugtugma ng mga salita
Mahirap kasi magisip ng paksa
Kaya ko nagawa itong tula.

--wakas--

   

No comments:

Post a Comment